5 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas April 10, 2019 - 04:59 AM

Timbog ang tatlong lalaki at dalawang babae sa isinagawang buy bust operation sa loob ng isang apartelle sa Brgy. North Fairview, Quezon City.

Menor de edad ang dalawa sa tatlong lalaki na parehong 16 anyos.

Ayon sa QCPD Station 8, target ng operasyon ang isang alyas ‘Mother’ na kilalang nagbabagsak ng iligal na droga sa lugar.

Positibong nabilhan ang target ng shabu at kalauna’y naaresto ang dalawa nitong kasamahan.

Sinundan ito ng pagdating ng dalawa pang menor de edad na bumili rin ng bawal na gamot mula sa suspek.

Narekober ang 26 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P27,000.

Nakatakdang i-turn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang menor de edad at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: 26 sachet, 5 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, menor de edad, QCPD Station 8, quezon city, shabu, 26 sachet, 5 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, menor de edad, QCPD Station 8, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.