Isang bahagi ng Manila Bay ligtas nang languyan ayon sa DENR

By Rhommel Balasbas April 10, 2019 - 02:51 AM

Sa gitna ng isinasagawang malawakang rehabilitasyon, inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isang bahagi ng Manila Bay ang pwede na ang pag-swimming.

Binuksan sa publiko para sa recreational use ang Aguawan Beach sa Mariveles, Bataan matapos bumaba nang husto ang fecal coliform level dito.

Mababa na sa 10 most probable number (mpn) ang fecal coliform level sa naturang beach kung saan ang normal level ay 100mpn pababa.

Pinuri ng DENR ang pagsusumikap ng local government para sa rehabilitasyon ng dagat na bahagi ng Barangay Sisiman.

Ilang mga piggery at sewers na direktang nagtatapon ng dumi sa dagat ang inalis ng local government.

Gayunman, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na mahaba pa ang prosesong pagdaraanan para gawing ligtas sa swimming ang buong Manila Bay.

Sinabi ni Cimatu na bukod sa mga commercial at residential establishments, malaki ang kontribusyon ng malalaking passenger vessels sa polusyon ng tubig sa Manila Bay.

Dahil dito, magsasagawa anya ang DENR ng mga inspeksyon sa passenger vessels sa mga susunod na linggo upang masiguro na mayroong proper waste disposal at wastewater treatment facilities ang mga ito.

TAGS: Aguawan Beach, bataan, DENR, Environment Secretary Roy Cimatu, fecal coliform level, languyan, Manila Bay, Mariveles, passenger vessels, piggery, recreational use, rehabilitasyon, sewers, waste disposal, wastewater treatment facilities, Aguawan Beach, bataan, DENR, Environment Secretary Roy Cimatu, fecal coliform level, languyan, Manila Bay, Mariveles, passenger vessels, piggery, recreational use, rehabilitasyon, sewers, waste disposal, wastewater treatment facilities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.