Water service interruption, ipinapatupad na rin ng Maynilad
Kasunod ng kakulangan sa suplay ng tubig ng Manila Water, nagsimula na ring magpatupad ang Maynilad ng water interruption.
Ito ay dahil sa malakas na demand ng tubig sa gitna ng mainit na panahon.
Sa abiso ng Maynilad, nagpapatupad na rin sila ng water service interruption at pagbabawas ng water pressure.
Apektado nito ang mga customer sa ilang lugar sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela.
Sinimulan na ng Maynilad ang hakbang noon pang April 5 pero ginagawa ito sa gabi para hindi gaano ang epekto at sa umaga ay balik sa normal ang suplay ng tubig.
Sa monitoring ng Pagasa ay patuloy sa pagbaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam pero sinabi ng Maynilad na nasa normal pa naman ang water level sa naturang source.
Tiniyak din ng kumpanya na hindi bababa ang lebel ng treated water sa Bagbag reservoir na kanilang isinusuplay sa kanilang mga customers.
Wala rin umanong epekto sa naturang reservoir ang pamimigay ng tubig ng Maynilad sa Manila Water.
Nakamonitor ang Maynilad na hindi bumaba sa 65 meters ang Bagbag reservoir para maiwasan na magpatupad ng water service interruption mula 3 hanggang 5 araw para ma-refill ang water source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.