Dalagitang patay sa pamamaril sa Tondo, posibleng napagkamalan na drug suspect

By Len Montaño April 10, 2019 - 01:36 AM

FB photo

Hustisya ang sigaw ng pamilya ng 17 anyos na babae na patay sa pamamaril habang bumibili sa isang tindahan sa Tondo, Manila.

Nagdadalamhati ang ina ng biktimang si Ronalyn Jamon na si Desiree Cordero sa sinapit ng kanyang anak.

Sa CCTV ng Barangay 129, makikita na nakikipag-usap ang dalagita sa isang babae habang nasa tapat ng isang tindahan.

Screengrab of Brgy. 129 CCTV

Mapapanood na una ng may lumapit at nanutok ng baril kay Jamon pero umalis din ang lalaki.

Makalipas ang ilang saglit ay isa pang lalaki ang dumating at pinagbabaril na ang dalagita.

Ayon sa pulisya, bago barilin ang biktima ay tinawag ito ng suspek sa pangalang “Juanabie.”

Sinabi ng ina ng dalagita na isang “Juanabie” ang kilala sa lugar na nagtutulak umano ng droga.

Screengrab of Brgy. 129 CCTV

Kasing-katawan umano at pareho ng ayos ng buhok ang biktima at ang tinatawag na “Juanabie.”

Ayon naman kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Manila Police District Station 1, ang sinasabing “Juanabie” ay umorder o pinagbagsakan ng bulto ng droga pero hindi ito nakabayad.

Samantala, sa follow-up operation ay naaresto ang umanoy look-out na si Alfie Cubelo habang patuloy na tinutugis ang gunman.

TAGS: “Juanabie”, kasing-katawan, Manila Police District Station 1, napagkamalan, pareho ng buhok, patay sa pamamaril, Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, Ronalyn Jamon, “Juanabie”, kasing-katawan, Manila Police District Station 1, napagkamalan, pareho ng buhok, patay sa pamamaril, Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, Ronalyn Jamon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.