Anim, sugatan sa sunog sa Maynila

By Jong Manlapaz, Ruel Perez December 04, 2015 - 01:47 PM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Umabot na sa anim ang naitalang sugatan sa sunog sa Sta. Cruz Maynila.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Fire Marshall Col. Jaime Ramirez, nagsimula ang sunog pasado alas 9:00 ng umaga sa bahay ni Alex Cayetano pero hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

Nagpapatuloy pa rin ang sunog na itinaas sa general alarm.

Kabilang sa mga nasugatan ang 3 bumbero na kinilalang sina SFO4 Arnel Malasici ng Tondo Fire na natalsikan ng tunaw na plastik sa mata. Sugatan din si Eugene Mallari, isa ring fire volunteer na nagtamo ng lacerated wound sa kaliwang leeg; si Richard Hidalgo, 31 anyos, fire volunteer na nagtamo ng sugat sa kanang hinlalaki.

Ang isang residente naman na si Paola Cuasay, 23 anyos ay dinala sa ospital matapos mahirapang huminga.

Dahil sa malakas na sunog, inilikas ang mga preso na nakakulong sa station 3 ng Manila Police District.

Marami rin sa mga patungo sa bahagi ng Quiapo church para magsimba ngayong araw ng Biyernes ay napilitang maglakad na lamang dahil hindi na gumagalaw ang daloy ng traffic sa mga sasakyang galing sa bahagi ng Espanya.

Pasado alas 12:00 ng tanghali nang ideklarang under control na ang nasabing sunog.

Samantala, kasabay ng pagsiklab ng apoy sa Maynila, isang commercial building naman ang tinupok ng apoy sa Quezon City.

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Aurora Tower sa Aurora Boulevard sa lungsod na umabot ng ikalimang alarma. Alas 12:41 naman nang ideklarang fire out ang sunog.

TAGS: Fire hits Sta. Cruz Manila, Fire hits Sta. Cruz Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.