BFAR: Red tide alert nakataas sa ilang lugar sa Davao
Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na huwag kumain, kumuha at magbenta ng mga isda at ibang lamang dagat mula sa ilang lugar sa Davao Region dahil sa red tide.
Ayon sa BFAR, positibo sa red tide toxin ang coastal waters o baybayin ng Sta. Maria, Davao Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.
Dahil sa nadiskubreng lebel ng paralytics shellfish poison, sinabi ng ahensya na hindi ligtas kainin ang mga shellfish na mula sa San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur at coastal waters o baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Sinabi ng BFAR Region 11 na inaasahang makakaapekto ang red tide sa kabuhayan ng hindi bababa sa 150 mangingisda.
Paliwanag ng ahensya, maaaring maiugnay ang red tide sa ilang pagbabago sa karagataan gaya ng mataas na temperatura at mahabang panahon ng tagtuyot na sinundan ng biglaang pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.