Away-pulitika, isantabi muna sa Araw ng Kagitingan – Panelo

By Chona Yu April 09, 2019 - 07:15 PM

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na isantabi muna ang pulitika sa Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang maingay na pulitika ang nakasisira at nakaantala sa progreso ng bansa.

Ayon kay Panelo, hindi matatawaran ang kabayanihan ng mga ninuno at mga sundalo na nakipaglaban para sa bayan.

Maituturing aniyang mga bayani ang mga ninuno na nagpamalas ng pinakamataas na antas ng pagmamahal sa bayan.

Kinilala rin ng Palasyo ang mga surviving member ng tinaguriang Bataan death march.

Ayon kay Panelo, hindi lamang sa pakikipagdigma o physical courage maipamamalas ang kabayanihan kundi maging sa iba pang uri ng pagtataguyod sa kabutihan para sa bayan gaya ng mga pulis na napapatay habang nasa operasyon kontra sa ilegal na droga o maging ang mga ordinaryong kawani ng gobyerno na nag-overtime at hindi tumatanggap ng suhol para lamang matiyak ang maayos na serbisyo-publiko.

Hinihimok din ng Palasyo ang publiko na magsilbing inspirasyon ang Araw ng Kagitingan para pag-ibayuhing matalo ang problema sa droga, kriminalidad, koruspyon terorismo at kahirapan.

TAGS: Araw ng Kagitingan, Bataan death march, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, Araw ng Kagitingan, Bataan death march, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.