Ilang manggagawa sa Cebu, nagkasa ng protesta sa Araw ng Kagitingan
Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, nagkasa ng protesta ang ilang labor group para iparating ang pagkadismaya sa kabiguan ng administrasyong Duterte na tapusin ang kontraktuwalisasyon sa Cebu City.
Nasa 30 manggagawa ang nagtipon sa bahagi ng Colon Street sa Cebu City para ihayag ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.
Ayon kay Jaime Paglinawan, chairman ng grupong Bagong Alyansang Makabayan – Central Visayas, ang tunay na bayani ng bansa ngayon ay ang mga manggagawa.
Kung wala aniya ang mga ito, maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.
Umaasa aniya ang grupo na mabigyan ng dignidad ang mga manggagawa sa pagdagdag ng maayos na sahod.
Hiling pa ng grupo, itaas sa P750 ang minimum wage sa bansa para makasabay sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.