Bagong BJMP chief, nangakong aaksyunan ang jail congestion sa bansa
Nangako ang bagong talagang hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isa sa kaniyang prayoridad ang pagresolba sa jail congestion.
Sa isang press conference, ayon kay Jail Chief Supt. Allan Iral, nasa 442 percent ang nationwide congestion sa bansa.
Maari aniyang ma-decongest ang mga kulungan sa mga lalawigan samantalang matindi naman aniya ang jail congestion sa National Capital Region (NCR).
Sa Metro manila, malala ang jail congestion sa Manila City Jail at Quezon City Jail na may 5,731 at 5,296 na bilanggo.
Ani Iral na sa tulong ng mga pinatatayong kulungan at paralegal programs ay posibleng maiibsan ito at bababa sa 200 percent.
Inaasahang aniyang matatapos ang mga jail facilities sa Quezon at San Juan sa taong 2021 at 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.