Mensahe ni Pangulong Duterte sa Araw ng Kagitingan: Pagtibayin ang soberanya ng Pilipinas
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na pagtibayin pa ang soberanya ng Pilipinas.
Sa mensahe ng pangulo sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi nito na dapat ring paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga karapatan at kalayaan ng bansa.
Ipinaalala din ng pangulo sa sambayan ang kabayanihan ng mga ninuno na magiting na nakipaglaban sa mga dayuhang sundalo noong World War 2.
Hindi rin aniya dapat malimutan ng taong bayan ang mga sibilyan na tumulong sa mga kawal upang matalo ang mga kalaban.
Ayon sa pangulo, maaaring hindi matandaan kung sino-sino ang mga nakipaglaban pero mananatili naman ng habang buhay ang kanilang mga maaalala at kikilalanin ng mga kapwa Pilipino ang kanilang tibay ng loob.
Dagdag ng pangulo magsilbi sanang inspirasyon ang kagitingan ng mga ninuno. (CY)
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.