ASG leader na suspek sa twin bombing sa Jolo Cathedral patay sa engkwentro sa Sulu
Nasawi sa engkwentro sa mga militar sa Patikul, Sulu ang isa sa mga suspek sa twin bombing sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral.
Patay sa nasabing engkwentro ang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isa pang rebelde.
Ayon kay Joint Task Force – Sulu (JTF-Sulu) Commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., tatlong sundalo ang naitalang sugatan sa bakbakan na tumagal ng 40-minuto.
Ayon kay Pabayo, aabot sa 40 armadong ASG members na pinamumunuan ni Almujer Yada ang naka-engwekntro ng mga sundalo sa Barangay Bangkal.
Nagsimula ang engwkentro alas 3:45 ng hapon ng Lunes, April 8 na nagresulta sa pagkasawi ni Barak Ingog at Nasser Sawajaan.
Si Ingog ay isa umano sa mga nasa likod ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong Jan. 27 habang si Sawajaan ay pamangkin ni ASG leader Hatib Hajaan Sawadjaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.