Mga beteranong Pinoy binigyang pagpupugay ngayong Araw ng Kagitingan
By Dona Dominguez-Cargullo April 09, 2019 - 09:57 AM
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, nagdaos ng aktibidad sa Corregidor.
Pinangunahan ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat at ng Philippine Coast Guard ang aktibidad kung saan nagsagawa ng wreath-laying ceremony.
Mahigit 200 mga beterano, guests at iba pa ang lumulan sa coast guard vessels para sa seremonya.
Mula Peri 13, South Harbor sa Maynila, isinakay sila sa BRP Malabrigo (MRRV 4402), BRP Cape Engaño (MRRV 4411) at BRP Kalanggaman (FPB 2402) patungo ng Corregidor Island at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.