Sereno kay Duterte: Ipaliwanag ang ‘unexplained’ na yaman

By Len Montaño April 09, 2019 - 04:49 AM

Hinimok ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaliwanag nito sa publiko ang umanoy paglobo ng yaman ng kanyang pamilya.

“Kung kahina-hinala na napakadami ng pera ang isang pinuno, dapat may paliwanag ‘yun. At ang paliwanag na iyon ay dapat ibigay sa tao,” pahayag ni Sereno sa voter’s education forum sa University of the Philippines Visayas sa Iloilo City.

Pahayag ito ni Sereno matapos lumabas ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na sumuri sa yaman ng mga miyembro ng Pamilya Duterte.

Binatikos din ng dating Punong Mahistrado ang Pangulo sa pag-atake sa mga mamamahayag na kritiko ng kanyang administrasyon.

“Mali ‘yun kasi parang sa Constitution at sa batas natin, nandoon ‘yun dapat may pakialam tayo, lalo na sa ganoong klaseng allegations na ang layo daw ng linaki ng yaman nila,” dagdag ni Sereno.

Ayon kay Sereno, hindi pwedeng basta isantabi ang alegasyon na “unexplained” na yaman ng pamilya lalo na’t ilan sa mga ito ang isinasangkot sa kalakalan ng droga.

Sa PCIJ report, nakasaad ang patuloy na paglago ng yaman ng Pangulo at mga anak na sina Davao Mayor Sara Duterte at Paolo Duterte na umanoy hindi nakalagay sa kanilang mga statements of assets, liabilities and net worth (SALN).

TAGS: dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Davao City Mayor Sara Duterte, ipaliwanag, kalakalan ng droga, paglobo, pamilya, paolo duterte, pcij, Rodrigo Duterte, SALN, unexplained, yaman, dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Davao City Mayor Sara Duterte, ipaliwanag, kalakalan ng droga, paglobo, pamilya, paolo duterte, pcij, Rodrigo Duterte, SALN, unexplained, yaman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.