Lay minister na inaakusahang nangmolestya sinuspinde na ng Quiapo Church

By Rhommel Balasbas April 09, 2019 - 04:36 AM

Sinuspinde na ng Quiapo Church ang isang lay minister na sinasabing nang-abuso sa isang 12-anyos na batang babae na nakuhaan mismo ng video.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang suspek na si Abot Jongco, 69 anyos ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sinabi ng rektor ng Quiapo Church na si Msgr. Hernando Coronel na inoobserbahan ngayon ang protocol ng simbahan tulad ng pastoral care sa biktima at pagpapatupad ng parusa sa nagkasala.

Sa ngayon, hindi maaaring makapag-perform ng kanyang ministry services si Jongco hangga’t hindi nareresolba ang mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon naman kay Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong, kahit hindi pa nagpapakita si Jongco, ay ‘banned’ na ito sa pagiging lay minister.

Sa ngayon ay patuloy anya nilang hinihintay ang paliwanag ng suspek at dapat umano nitong harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Tutulungan naman ang menor de edad na biktima sa pangangailangang ispiritwal, psychological at maging pinansyal.

Ayon sa isang ulat, tatlong beses na naabuso ang biktima sa isang pampublikong lugar.

TAGS: 2-anyos na batang babae, Abot Jongco, ban, Fr. Douglas Badong, lay minister, Manila Police District, Msgr. Hernando Coronel, nakunan ng video, nang-abuso, Quiapo Church, sinuspinde, 2-anyos na batang babae, Abot Jongco, ban, Fr. Douglas Badong, lay minister, Manila Police District, Msgr. Hernando Coronel, nakunan ng video, nang-abuso, Quiapo Church, sinuspinde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.