DILG Sec. Año mangunguna sa paggunita sa Araw ng Kagitingan
Pangungunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang bansa sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Si Año ang kakatawan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Araw ng Kagitingan Rites sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan mamayang alas-9:00 ng umaga ayon sa National Historical Commission of the Philippines.
Kasama ng kalihim sina Japanese Ambassador Koji Haneda at US Deputy Chief of Mission John Law sa wreath-laying ceremony.
Nakatakdang magbigay ng welcome remarks si Bataan Governor Albert Garcia habang magbibigay naman ng mensahe sina Haneda at Law.
Keynote speaker si Año at nakatakdang maggawad ng parangal sa mga nanalo sa isinagawang mga paligsahan kaugnay ng pagdiriwang.
Huling bahagi ng programa ay ang viewing ng Mt. Samat Development Scale Model at Augmented Reality Project para sa isang Underground Museum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.