Comelec kinansela ang kandidatura ng mayoralty candidate sa Dapitan
Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang certificate of candidacy (COC) ng mayoralty candidate ng Dapitan City na si dating Dipolog City Mayor Evelyn Uy.
Ito ay matapos maghain ng petisyon si incumbent Dapitan City Mayor Rosalina Jalosjos na kumukwestyon sa eligibility ni Uy para tumakbo bilang alkalde dahil hindi ito residente ng Dapitan City.
Sa isang resolusyon na may petsang April 3, kinansela na ng Comelec ang kandidatura ni Uy.
Sa statement na inilabas ni Uy sa kanyang Facebook page, sinabi niya na ang pangyayaring ito ay isa lamang sa patuloy na panggigipit sa kanilang pamilya.
Aniya pa, natatanggap umano nila ang mga ganitong paninikil dahil tumitindig sila laban sa mga taong nananamantala sa bayan.
Ayon naman kay Atty. James Verduguez, abugado ni Uy, hinihintay pa nila ang kopya ng resolusyon pero naghahanda na sila para sa paghahain ng motion for reconsideration.
Sinabi naman ni Comelec provincial election supervisor Atty. Ellis Miguel na may remedyo pang maaaring gawin si Uy para makatakbo dahil hindi pa pinal ang resolusyon na inilabas ng First Division.
Magsasagawa ang Comelec en banc ng mga pagdinig upang malaman kung mananatili ang kandidatura ni Uy o tuluyan itong kakanselahin.
Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Zamboanga del Norte 1st District Rep. Bullet Jalosjos sa pagkansela ng sa kandidatura ng aniya’y isa umanong dayuhan na nais tumakbo sa Dapitan City.
Dagdag pa niya, ito ay eleksyon at hindi dapat maging isang deception sa mga mamamayan ng Dapitan City na tinatangkang lokohin ni Uy sa pagtakbo niya sa pagka-alkalde ng lungsod kahit na hindi siya residente doon.
Si Rosalinda Jalosjos at Erlinda Uy ay magkalaban sa pagkaalkalde sa Dapitan City ngayong 2019 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.