Itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level III kasunod ng tumutinding tensyon sa Libya.
Sa Twitter, nag-tweet si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang alert level ay partikular lamang sa Tripoli at ilang distrito sa loob ng 100-kilometer radius nito.
Sa hiwalay na tweet, ianunsiyo ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na sakop ng alert level ang mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa Tripoli, Ghot Romman, Qaraboli, Qasr Khiyar, Esbea, Tarhuna, Bani Waled, Gharyan, Aziziya, Warshifana, Zawia, Surman, at Sabratha.
Sinabi pa ng kagarawan na hindi muna maaaring makapunta ang sinumang Pinoy sa Libya hangga’t hindi humuhupa ang sitwasyon sa lugar.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy sa Tripoli na manatiling alerto at maingat sa kaguluhan sa lugar.
Sa mga Pinoy na nais ng tulong, sinabi ni Cato na maaaring tumawag sa embahada sa numerong +218-91-824-4208 o magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.
Sa ngayon, aabot sa 1,000 Pinoy ang nananatili sa Tripoli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.