Basco, Batanes niyanig ng magnitude 4.5 na lindol; Intensity 3 at 4, naitala sa ilang kalapit-bayan
By Angellic Jordan April 08, 2019 - 06:23 PM
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa Batanes, Lunes ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 29 kilometers Southeast ng Basco dakong 10:59 ng umaga.
May lalim itong 13 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity IV sa Basco, Uyugan, Sabtang, Ivana, Mahatao sa Batanes.
Naitala naman ang Intensity III sa Itbayat, Batanes.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa aftershock matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.