Parusa sa mga opisyal ng gobyerno at Maynilad dapat ituloy kahit iniurong ng water company ang arbitration case
Tuloy ang pagpapanagot ng Malakanyang sa mga opisyal ng gobyerno at Maynilad na pumasok sa kontrata na ipasa sa mga customer ang pagbabayad ng corporate income tax.
Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Maynilad Chairman Manny Pangilinan na inuurong na ng kanilang hanay ang arbitration case laban sa gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ituloy pa rin ang pagbibigay ng parusa sa sinumang nagkakasala sa batas kahit na iurong pa ang kaso.
Gayunman, ipinauubaya na ng Malakanyang sa Department of Justice ang pagsururi kung sinong mga opisyal ang dapat na maparusahan.
Una rito, inatasan ng pangulo ang DOJ at ang Office of the Solicitor General na aralin ang arbitration case ng gobyerno at ng Maynilad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.