Kandidato sa Tarlac nanampal ng election officer; ipapa-disbar ng Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2019 - 12:04 PM

Hihilingin ng Commission on Elections (Comelec) na mapatawan ng disbarment ang isang abugado at kumakandidatong board member sa lalawigan ng Tarlac.

Ito ay makaraang manampal ito ng election officer habang nagsasagawa ng “Oplan Baklas” operation.

Sa kaniyang tweet noong weekend, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sinampal ng kandidatong si Marty Torralba si election officer Teddy Mariano.

Ito ay habang binabaklas ng mga tauhan ng Comelec ang illegal campaign posters nito sa bayan ng Camiling sa Tarlac.

Ayon kay Guanzon, ipapadisbar nya si Torralba na nagsasabing siya ay abogado.

Sa isang panayam sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ginagawa lang ng kanilang election officer ang trabaho nito.

Kung may akusasyon man aniya ang mga kandidato laban sa mga election officer ay hindi naman tamang mauwi sa dahas ang reklamo.

TAGS: comelec, Marty Torralba, Tarlac, comelec, Marty Torralba, Tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.