Pelikulang Shazam nangunguna sa U.S. box office

By Jimmy Tamayo April 08, 2019 - 10:58 AM

Nangunguna ngayon sa US Box Office ang pelikulang “Shazam.”

Kumita ang nasabing pelikula ng $52-milyon nang magbukas sa mga sinehan sa North America.

Ang pelikula ay nakasentro sa isang bata na ginagampanan ni Asher Angel at nagiging isang superhero sa tuwing sasambitin ang pangalang Shazam na ginagampanan naman ng aktor na si Zachary Levi.

Pumapangalawa sa US Box Office ang remake ng pelikula na hango naman sa libro ni Stephen King na Pet Sematary na kumita na ng $25-milyong.

Nasa ikatlong pwesto ang Dumbo ng Disney Film na kumita ng $18M at kabuuang $76M.

Nanatili naman sa ika-apat na pwesto ang Captain Marvel na may kabuuang kita na umaabot na ng $374M habang pang-lima ang pelikulang US na kumita ng $13M o may kabuuang kita na aabot sa $152M sa loob ng tatlong linggo sa mga sinehan.

TAGS: North American box office, Radyo Inquirer, shazam, North American box office, Radyo Inquirer, shazam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.