Strategic communications training facility itatayo ng PCOO sa Bukidnon
Para mapaganda pa ang sektor ng komunikasyon sa bansa, ikinasa na ngayon ng Presidential Communications Operations Office ang pagtatayo ng strategic communications training facility sa Manolo Fortich sa Bukidnon.
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, magsisilbi itong training facility information office sa buong Pilipinas.
Dagdag pa ni Andanar na magkakaroon rin ng community radio station, community TV station at social media newsroom ang training center na itatayo.
Magkakaroon din ang center ng dalawang classroom at dormitory na kayang mag- accommodate ng 60 tao.
Manggaling aniya ang pondo sa Department of Finance (DOF).
Samantala, nagpasalamat din si Andanar sa china sa mga ibinigay na communications equipment sa PCOO.
Ayon kay Andanar, aabot sa P100,000,000 halaga ng mga kagamitan ang ibinigay ng China sa PCOO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.