Motorcycle Crime Prevention Law hindi pwedeng suspindihin – Sen. Gordon
Hindi maaring suspindihin ang isang batas na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Senator Richard Gordon sa pahayag ni Pangulong Duterte na sususpindihin niya ang pag-iral ng Motorcycle Crime Prevention Law dahil delikado sa mga nagmomotorsiklo ang paglalagay ng plaka sa harapan.
Si Gordon ang author ng naturang batas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gordon na napirmahan na ng pangulo ang batas kaya hindi na ito maaring suspindihin.
Iginiit din ni Gordon na dapat maipatupad ang batas dahil sa dumaraming mga kaso ng pagpatay na sangkot ang riding in tandem suspects.
Ayon kay Gordon, sa gagawin niyang pakikipag-usap sa pangulo hihikayatin niya itong ikunsidera ang kaniyang naging pahayag.
Maari aniyang na-pressure lang ang pangulo, lalo at matindi ang propaganda laban sa naturang batas ng mga motorcycle riders.
Ani Gordon, maliban sa pag-iwas sa mga krimeng sangkot ang riding-in-tandem ay poproteksyunan din sa batas ang mga motorycle rider na wala namang ginagawang mali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.