Miyembro ng NPA, napatay sa bakbakan sa Butuan City

By Kathleen Betina Aenlle December 04, 2015 - 04:48 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Patay matapos makipagbakbakan sa mga puwersa ng gobyerno ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa isang liblib na lugar sa Butuan City, Agusan del Norte.

Tumagal ng 25 minuto ang palitan ng putok na naganap dakong alas-5 ng umaga ng Huwebes sa Brgy. Antilaca.

Ayon kay Army 4th Infantry Division spokesperson Capt. Joe Patrick Martinez, biglang pinaputukan ng hindi natukoy na bilang ng mga gerilya ng NPA ang mga tropa ng 29th Infantry Battalion ng Army sa Sitio Dugyaman.

Pagkatapos aniya ng bakbakan ay nakarekober sila ng dalawang armas at hindi bababa sa siyam na improvised na bomba.

Nakatanggap kasi sila ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga rebelde sa lugar na iyon para mangikil.

Pinaghahanap na nila ang mga rebeldeng nakatakas matapos ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.