Mga insidente ng yellow alert sa Luzon grid magdudulot ng dagdag-singil sa kuryente ayon sa DOE

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 03:28 AM

Inaasahang makadaragdag sa generation charge na kalauna’y magdudulot naman ng pagtaas sa presyo ng kuryente ang ilang beses na insidente ng pagsasailalim sa Luzon grid sa yellow alert.

Ayon kay Energy Usec. Felix William Fuentebella, ang electricity bill ay nakadepende sa paggamit ngayon ng consumers sa kanilang appliances ngunit mayroon talagang magiging pagtataas sa electricity rates.

Matatandaang noong nakaraang linggo limang sunud-sunod na araw isinailalim sa yellow alert status ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Ang mataas na demand sa kuryente habang mababa naman ang suplay dahil sa hindi planadong shutdown ng ilang mga planta ang nagdulot ng yellow alert.

Nauna nang kinumpirma ng Meralco na tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Paliwanag ni Meralco Senior Vice President Larry Fernandez, bukod sa yellow alerts sa unang linggo ng Marso ay mababa rin ang halaga ng piso.

Ang dalawang salik anya ay magdudulot ng pagtaas sa generation charge.

Ang April electricity rates ay inaasahang inanunsyo ng Meralco ngayong araw.

TAGS: Department of Energy, electricity rates to go up, luzon grid on yellow alert, Meralco, Department of Energy, electricity rates to go up, luzon grid on yellow alert, Meralco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.