Ilan pang opisyal inaasahang sisibakin ni Duterte sa pwesto ngayong araw

By Rhommel Balasbas April 08, 2019 - 03:45 AM

Ilan na namang opisyal ng gobyerno ang inaasahang sisibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw pagkabalik nito sa Maynila mula sa Davao City.

Sa talumpati sa Iloilo City noong Sabado, dismayado ang pangulo sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.

Sinabi ng presidente na pagbalik niya sa Maynila ay sisibakin niya ang ilan pang opisyal na sangkot sa pangungurakot.

“Every table in government… it’s greed and there’s always a monkey wrench. Every table ‘yan kung magdaan corruption. Kaya ako pagbalik ko tomorrow, I’ll be firing a lot of people simply for corruption,” ani Duterte.

Hindi naman pinangalanan ng punong ehekutibo ang mga sisibaking opisyal ngunit iginiit nito na mapag-iiwanan ang Pilipinas ng mga kapitbahay na bansa sakaling hindi mahinto ang korapsyon.

Paliwanag ng presidente, nagaganap ang korapsyon sa matagal na proseso at pagpapabalik-balik sa mga tao para sa mga lisensya, dokumento at permits.

TAGS: corruption, Duterte to ax cabinet officials, corruption, Duterte to ax cabinet officials

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.