Isang vintage bomb, natagpuan malapit sa US Embassy sa Maynila

April 07, 2019 - 04:41 PM

Natagpuan ang isang vintage bomb malapit sa U.S. Embassy sa Ermita, Maynila Sabado ng umaga.

Ayon kay Rodolfo Velasco mula sa Department of Public Works and Highway (DPWH), sa kasagsagan ng dredging operation, napansin ang isang solidong bakal sa baybaying bahagi ng Manila Bay malapit sa U.S. Embassy bandang 7:30 ng umaga.

Agad itong iniulat ng mga miyembro ng Manila Bay Task Force sa Manila Police District Explosives and Ordnance Division (MPD-EOD).

Sinabi ni MPD-EOD officer Holm Fabian na isa itong 81-mm illuminating Round bomb.

Dinala na ang bomba sa Tarlac para sa controlled explosion na isasagawa ng mga otoridad.

TAGS: Manila Bay, U.S Embassy, vintage bomb, Manila Bay, U.S Embassy, vintage bomb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.