Mga pulitikong sobra-sobra ang pangangampanya sa social media, tutugisin ng Comelec
Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) na sisingilin nila ang mga kandidato na labis-labis ang campaign advertisements sa social media.
Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na sa ngayon ay hindi muna nila maaksyunan ang naturang pulitiko, sa halip ay gagawin nila ito pagkatapos ng halalan sa Mayo 13.
Sabi ni Jimenez, hahayaan na muna nila ang mga kandidato na gawin ang gusto nilang pamamaraan ng pangangampanya gamit ang internet.
Ipinunto pa ng opisyal na hindi nila trabaho na minu-minutong paalalahanan ang mga kandidato sa kung ano ang kanilang dapat gawin dahil alam naman ng mga ito ang ipinagbabawal at hindi.
Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa mga kandidato lalo’t sabay na nangangampanya ang mga local at national candidates.
Pinaalalahan din nito ang mga botante na i-report sa kanilang tanggapan kung ano ang mga iregularidad sa pangangampanya ng mga kandidato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.