Metro Manila, nagtala ng pinakamataas na temperatura para sa 2019 ngayong Sabado

By Len Montaño April 06, 2019 - 11:38 PM

Naranasan ng Metro Manila ang pinakamainit na araw ng taon nang umabot ang aktuwal na temperatura sa 35.4 degrees Celsius araw ng Sabado.

Ayon sa Pagasa, naitala ang 35.4 degrees Celsius sa Science Garden monitoring station sa Quezon City dakong 3:50 ng hapon.

Pero ang katumbas nitong heat index o ang init na naramdaman ng katawan ay nasa 37.2 degrees Celsius dahil sa mataas na humidity ng hangin.

Dagdag ng Pagasa, ang heat index na nasa pagitan ng 32 hanggang 41 degrees Celsius ay pwedeng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion at ang patuloy na aktibidad ay posibleng magresulta sa heat stroke.

Ang heat index ay kalimitang dalawa hanggang tatlong degrees Celsius na mas mataas kumpara sa actual air temperature.

Sa datos ng Pagasa, ang pinakamataas na temperatura sa bansa sa kasaysayan ay 40.2 degrees Celsius na naitala sa Tuguegarao, Cagayan noong May 11, 1969.

Samantalang ang hottest day sa Metro Manila ay nasa 38.5 degrees Celsius na naitala noong May 14, 1987.

TAGS: 35.4 degrees Celsius, heat cramps, heat index, heat stroke, hottest day, Metro Manila, Pagasa, pinakamainit na panahon, pinakamataas na temperatura, Science Garden monitoring station, 35.4 degrees Celsius, heat cramps, heat index, heat stroke, hottest day, Metro Manila, Pagasa, pinakamainit na panahon, pinakamataas na temperatura, Science Garden monitoring station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.