3 Brgy. officials nahulihan ng mga hindi lisensyadong baril sa Surigao Del Sur

By Jimmy Tamayo April 06, 2019 - 09:59 AM

Arestado ang isang kagawad ng barangay at dalawang dating opisyal nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril at mga bala sa kanilang bahay sa San Miguel, Surigao del Sur.

Kinilala ni Caraga Police Director Brigadier General Gilberto Cruz ang mga naaresto na sina Glenn Tranquilan at ang dating barangay chairman na si Ale Guillermo, 49-anyos at Al Gala na dating kagawad ng barangay Sagbayan.

Nakuha sa bahay ni Guillermo ang isang Caliber .45 pistol at ilang mga bala; isang improvised shotgun, isang 9mm pistol, mga magazine at bala ang nakuha naman sa bahay ni Tranquiilan habang isinuko naman ni Gala ang isang Caliber .45 pistol, isang improvised gun, isang Caliber .38 revolver, isang air gun at mga bala.

Nauna dito ay sinabi ng liderato ng PNP na tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga iligal na baril lalo’t papalapit na ang araw ng halalan.

TAGS: barangay officials, election, gilbert cruz, PNP, San Miguel, surigao del sur, barangay officials, election, gilbert cruz, PNP, San Miguel, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.