Hirit na special rebates dahil sa water shortage ibinasura ng MWSS
Hindi sinang-ayunan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang panawagan ng mga militanteng grupo para sa special rebates bunsod ng naranasang water shortage ng mga customers ng Manila Water.
Matatandaang nagpetisyon ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Bayan Muna na dapat ay magkaroon ng rebate para sa karagdagang gastos na naidulot ng krisis tulad ng pagbili ng mga water drums at timba, at maging ang nawalang kita ng customers.
Pero ayon sa MWSS wala silang kapangyarihang pagdesisyunan ang naturang petisyon.
Pinayuhan ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na maghain ng petisyon ang naturang mga grupo sa korte.
Ayon naman kay Bayan secretary-general Renato Reyes, ang sagot ng MWSS ay hindi naman nagdismiss sa kanilang petisyon ngunit hindi rin gumawa ng paraan para umusad ito.
Dismayado si Reyes sa kabiguan ng MWSS na pamunuan ang isang public hearing na mahalaga para sa partisipasyon ng consumers.
Sinabi naman ni Reyes na kokonsulta sila sa kanilang mga abogado para sa mga susunod na hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.