Pananim na mais at gulay sa Davao city nasira na ng tagtuyot

By Len Montaño April 05, 2019 - 11:28 PM

Apektado ng tagtuyot ang mga pananim na mais at gulay sa Davao City kaya nanghihinayang ang mga magsasaka sa kanilang mga produkto.

Kalahati ng mga pananim sa 3 ektaryang maisan ang hindi na pwedeng anihin dahil walang laman ang mga bunga ng mais.

Ayon sa caretaker ng maisan, hindi na nila naisalba ang pananim kahit pa lagi silang nagdidilig noong nakaraang buwan.

Reklamo naman ng ilang magsasaka, bumagsak sa P500 ang kanilang kita mula P4,000 kada linggo dahil sa epekto ng matinding init sa pananim na talong, siling labuyo at okra.

Sinabi ng City Agriculturist’s Office, ang mais, gulay at upland na palay ang pinaka-apektado ng dry spell.

Dahil dito ay hinikayat ang mga magsasaka na magtanim ng gabi at kamote na resistant sa tagtuyot.

Naglagay na rin ng maliit na patubig at pinoproseso na ang tulong pinansyal ng Philippine Crop Insurance Corporation sa mga apektadong magsasaka.

TAGS: bumagsak ang kita, City Agriculturist’s Office, Davao City, dry spell, gabi, gulay, kamote, mais, maisan, matinding init, palay, Philippine Crop Insurance Corporation, tagtuyot, bumagsak ang kita, City Agriculturist’s Office, Davao City, dry spell, gabi, gulay, kamote, mais, maisan, matinding init, palay, Philippine Crop Insurance Corporation, tagtuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.