Roxas ipinagtanggol ng Malacanang sa mga akusasyon ni Poe
Palaisipan sa Malakanyang kung bakit idinidiin ni Senadora Grace Poe si Liberal Party standard beaber Mar Roxas na utak ng kinakaharap nitong disqualification case.
Sa harap ito ng patuloy na pagturo ni Poe kay Roxas na umano’y may pakana ng mga kuwestiyon sa kanyang citizenship at residency.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi niya maaalala kung saan nag-ugat ang mga alegasyon ng senadora dahil hindi sila kundi si Congressman Toby Tiangco ang nagsiwalat ng nasabing isyu sa publiko.
Bukod diyan, inimbitahan pa nila ang mambabatas na sumama sa kanilang Senatorial slate noong 2013 at para maging Vice-Presidential tandem ni Roxas sa 2016.
Hinamon din ng Palasyo si Poe na patunayan ang kanyang mga alegasyon at huwag isakay sa pulitika ang nasabing isyu.
Umaasa naman ang Liberal Party na maipaliliwanag ng maayos ni Poe at lahat ng mga alegasyon na ibinabato sa kanya bago ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa 2016 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.