Arnold Schwarzenegger muling gaganap bilang “Terminator”
Muling gagampanan ni Arnold Schwarzenegger ang papel na nagpasikat sa kanya bilang Terminator.
Pormal itong inanunsyo ng aktor sa pagdalo niya sa taunang movie industry convention na CinemaCon sa Las Vegas, Nevada.
Ang bagong Terminator movie, at ika-anim na sequel ay may titulong “Terminator: Dark Fate” kung saan muling makakasama ng 71-year old actor ang kanyang co-star sa pelikula na si Linda Hamilton na ngayon ay 63-year old na at muling gagampanan ang papel bilang Sarah Connor.
Bukod kina Hamilton at Schwarzenegger nagbabalik din bilang producer nito si James Cameron habang ang bagong direktor ay si Tim Miller ng Deadpool.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.