DFA: Walang Pinoy na nadamay sa pamamaril sa San Bernardino County
Iniulat ng Department of Foreign Affairs na walang namatay o nasaktan na Pinoy sa naganap na pamamaril sa Inland Regional Center for person with disabilities sa San Bernardino County sa California USA.
Ipinaliwanag ni DFA Spokesman Charles Jose na kaagad na nakipag-ugnayan ang mga Emabassy officials sa Pinoy community sa lugar at naging mabilis naman ang paglalabas ng ulat na walang kasamang mga Filipino sa labing-apat na namatay at labingpitong mga sugatan.
Kasalukuyang nagkakaroon ng holiday party sa lugar ng biglang sumalakay ang hindi pa batid na bilang ng mga armadong suspect na kaagad na nagpaulan ng bala sa mga tao sa nasabing community center.
Sa pagresponde ng mga pulis ay napatay nila ang dalawa sa mga suspect na isang babae at isang lalaki.
Napatay sa car chase ang mga suspects na sina Syed Farook at Tasfeen Melik na nakilala base sa pakikipag-ugnayan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Council on American Islamic Relations (CAIR).
Ang nasabing pag-atake ay isa sa pinaka-madugo sa kasaysayan ng U.S mula nang maganap ang Sandy Hook Elementary School attack sa New Town Conneticut noong 2012.
Dalawampu’t pito ang patay sa nasabing pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.