Pangulong Duterte itinangging sangkot ang kanilang pamilya sa drug trade

By Rhommel Balasbas April 05, 2019 - 02:05 AM

Paulit-ulit na propaganda.

Ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon na sangkot ang kanyang anak na si Paolo Duterte sa illegal drug trade.

Sa ambush interview ng mga mamamahayag sa convention ng League of Prosecutors sa Puerto Princesa, Palawan, iginiit ng pangulo na hindi sangkot ang kanyang pamilya sa kalakalan ng iligal na droga.

Sinabi ni Duterte na isang propaganda lamang ang video na nagtuturo kay Paolo na sangkot ito sa droga.

“Well, that is a propaganda that has been repeated all the time. Alam mo, alam ko propaganda na ‘yan. I was told. Eh pabalik-balik na ‘yang… I assure you, we are not into it,” ani Duterte.

Ang kanyang mga kaaway sa pulitika umano ang nasa likod nito partikular sina Sen. Antonio Trillanes at ang mga dilawan.

Sa talumpati naman sa campaign-rally ng PDP-Laban, sinabi ni Duterte na isang baklang kritiko niya ang nasa likod ng video pero hindi niya na ito pinangalanan.

Sa pitong minutong video na in-upload online, idinadawit si Paolo at si Agriculture Assistant Secretary Waldo Carpio sa illegal drug ring kung saan tumatanggap umano ang mga ito ng milyun-milyong pisong halaga ng pera.

Nauna nang inakusahan ni Paolo Duterte si Trillanes na nasa likod ng video.

TAGS: Agriculture Assistant Secretary Waldo Carpio, illegal drug ring, illegal drug trade, Palawan, propaganda, Rodrigo Duterte, Sen. Antonio Trillanes, Agriculture Assistant Secretary Waldo Carpio, illegal drug ring, illegal drug trade, Palawan, propaganda, Rodrigo Duterte, Sen. Antonio Trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.