Negosyante patay matapos pagbabarilin sa Maynila

By Rhommel Balasbas April 04, 2019 - 04:38 AM

Patay ang isang negosyante sa pamamaril ng riding in tandem sa Tejeros St., Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Maricel Padpad, 45 anyos at may-ari ng isang resto-bar.

Ayon sa testigo sa pamamaril, nakikipag-inuman lamang ang biktima sa loob ng bar nang magputok ang gunman mula sa labas.

Nakasuot umano ang gunman ng helmet kaya hindi ito namukhaan.

Agad na umalis ang suspek sakay ng nag-aabang na motorsiklo.

Makikita sa sliding glass door ng bar ang mga butas dulot ng pagtagos ng mga bala ng baril.

Isinugod pa ito sa Sta. Ana Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen at mga nasa likod nito.

TAGS: dead on arrival, Maynila, naka helmet, nakikipag-inuman, negosyante, patay sa pamamaril, riding in tandem, Sta. Ana Hospital, dead on arrival, Maynila, naka helmet, nakikipag-inuman, negosyante, patay sa pamamaril, riding in tandem, Sta. Ana Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.