Patay ang isang drug suspect at arestado ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations sa Daet, Camarines Norte at Baao at Pili sa Camarines Sur araw ng Miyerkules.
Sa Daet, patay si Socrates Consuelo alias Popoy, empleyado ng gobyerno na nakatalaga sa Labo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, matapos umanong manlaban at magpaputok sa mga pulis alas 12:30 ng umaga.
Narekober kay Consuelo ang 3 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000, .45 caliber pistol at anim na bala.
Habang sa bayan ng Baao, inaresto si Joven Barayoga sa bahay nito sa Barangay Sagrada at kasama nitong si Jose Asetrey.
Nakumpiska sa dalawa ang 14 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000 at .38 caliber na baril.
Samantala sa Pili, arestado si Marvin Marcial dahil sa pagbebenta ng 5 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P5,000.
Nakuhanan din ang suspek ng isang .38 caliber na baril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.