Bilang ng mga turista mananatiling limitado sa Boracay sa holy week

By Angellic Jordan April 03, 2019 - 03:20 PM

Radyo Inquirer

Tiniyak ng Department of Tourism o DOT na hindi lalagpas ang bilang ng mga pupuntang turista sa kayang ma-accommodate ng Boracay Island sa Semana Santa.

Sa taya ng kagawaran, aabot sa 58,000 na turista ang inaasahang magbabakasyon sa kilalang tourista destination ngayong Semana Santa.

Nasa 19,215 kada araw kasama ang 6,405 na tourist arrivals kada araw ang carrying capacity ng isla.

Ayon kay Tourism Undersecretary Arturo Boncato, Jr., binawasan na ng kanilang airline company partners ang bilang ng “air seats” patungong Boracay.

Siniguro rin ng opisyal na matututukan ang hotel reservations sa isla.

Mula March 20, nasa kabuuang 326 ang bilang ng accredited accommodation establishments na may 11,943 na room sa isla. / Angellic Jordan

TAGS: boncato, boracay, dot, tourism, tourists, boncato, boracay, dot, tourism, tourists

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.