Paniningil ng mga bayarin ng Cebu Port Authority ipinahihinto ng Kamara
Ipinahihinto ng House Transportation Oversight Committee on the Roll Off Roll On port system na pinamumunuan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pangongolekta ng Cebu Port Authority ng mga kwestyunableng bayarin sa pantalan ng Cebu.
Sa pagdinig ng komite sa lalawigan ng Cebu lumabas na limang taon ng nangongolekta ng bahagi ng kita sa pantalan ng walang anumang legal ba basehan.
Lumabas din sa pagdinig na taong 2004 pa nang pumasok sa sampung taong compromise agreement ang lokal na pamahalaan ng Tabuelan sa Cebu at CPA para makakolekta ng 40 porsyento sa mga nasisingil ng Tabuelan Port.
Nabatid pa na hiniling na ng LGU ng Tabuelan sa CPA na gawing 20 porsyento na lamang ang kanilang ibigay dito simula noong matapos ang compromise agreement taong 2014 pero natulog lamang ito.
Sa kabila ng natapos na ang kasunduan nabatid na patuloy pa rin ang pangongolekta ng CPA ng 40 porsyentong share sa kita ng pantalan.
Sinabi ni Speaker GMA na ang pagkuha ng share ng CPA sa Tabuelan ang dahilan kung bakit nangongolekta ng mga kabayaran ang Tabuelan sa mga gumagamit ng pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.