P100M ipinalabas ng Philippine Crop Insurance Corporation para sa mga apektado ng dry spell

By Ricky Brozas April 03, 2019 - 11:14 AM

Inquirer file photo

Higit P100-milyon na budget na ang ipinalabas bilang ayuda ng Philippine Crop Insurance Corporation sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyot.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, Ilang magsasaka na rin ang nag-apply sa loan program ng pamahalaan kung saan inaasahang makakatanggap ang mga ito ng tig-P25,000.

Dumenpensa naman si Piñol sa naging pahayag niya hinggil sa danyos sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng tagtuyot.

Sinabi ng kalihim, prayoridad pa rin ng kagawaran ang interes ng sektor ng agrikultura, bagaman maliit lamang ang epekto nito sa kabuuang target ng ahensya.

Sa datos ng DA, nasa higit P5-bilyon na ang iniwang pinsala ng El Niño sa higit 130,000 na magsasaka.

Paliwanag ni Pinol, hindi naman niya sinasabi na “negligible” ang naturang halaga pero kung ito ay ikukumpara sa national production target ng gobyerno ito ay maliit lamang na porsyento o 0.63 percent.

Sa ilalim nito, 0.63-percent o P2.69-bilyon na ang na-damage mula sa higit P20-milyon metric tons na production target sa bigas. Habang nasa 1.2-percent o P2.36-bilyon naman ang danyos sa target production ng mais.

Lubahang apektado ng dry spell ang mga magsasaka sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Bicol na sumugal pa rin sa pagtatanim matapos tamaan ng malalakas na bagyo noong nakaraang taon.

TAGS: dry spell, P100M ipinalabas ng Phil.crop insurance corporation, tagtuyot, dry spell, P100M ipinalabas ng Phil.crop insurance corporation, tagtuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.