SC nagpalabas ng status Quo ante order kontra sa ilang Comelec resolution na nagbabago sa ilang polling places sa Sulu

By Ricky Brozas April 03, 2019 - 10:25 AM

Nagpalabas ng Status Quo Ante Order ang Korte Suprema laban sa ilang resolusyon ng Comelec na nag-uutos ng clustering at pagbabago sa ilang polling places sa Sulu.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office Chief Atty Brian Keith Hosaka, partikular na ipinahinto ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng clustering, de-clustering, transfer, alteration, at pagtatag ng ilang voting precincts sa Sulu.

Ang Status Quo Ante Order ay ipinalabas ng Supreme Court kasunod ng mga petisyon na inihain nina Almedzar Hajiri na residente ng Sulu at Sulu gubernatorial candidate Abdusakur Tan at Sulu congressional candidate Nurhaipa Berto.

Nais din ng mga petitioners na ipawalang-bisa ng SC ang mga resolusyon na inisyu ng Comelec sa pagitan ng March 20 at March 22 at ibalik ang dating clustering ng mga presinto.

Iginiit nila na walang mabuting rason at matinding pangangailangan para sa declustering, paglilipat at pagbabago ng lugar ng botohan sa Sulu at taliwas pa sa rekomendasyon ng Election and Barangay Affairs Department.

Naniniwala rin ang mga petitioners na politically-motivated ang mga pagbabago sa clustering.

TAGS: Comelec resolution, ilang polling places, SC, Status Quo Ante Order, Sulu, Comelec resolution, ilang polling places, SC, Status Quo Ante Order, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.