Mga informal settler pinaghahanap ni Pangulong Duterte ng mga undeveloped na lupa sa Metro Manila para gawing pabahay

By Chona Yu April 03, 2019 - 10:10 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naninirahan na informal settler sa Metro Manila na maghanap ng mga lupang undeveloped o mga nakatiwangwang lamang.

Ito ay para mabili ng gobyerno at gawing pabahay para sa mga informal settler.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng PDP – Laban sa Malabon, sinabi nito na gagastusin niya ang pera ng gobyerno para matuldukan ang paghihirap ng mga informal settler na nakatira sa mga barong barong lamang.

Pakiusap ng pangulo, kapag may nahanap na undeveloped na lupa, agad na ipagbigay alam sa kanya para mabili ng gobyerno.

“Dito na naman ako sa urban land reform. Pinakamatindi dito sa Maynila. Ngayon kung may mahanap kayo na lupa na medyo malaki at wala pang development, sabihin ninyo sa akin. Kasi i-expropriate ko ‘yan, pilit bilihin ko ‘yan sa may-ari at gagawa tayo ng ating mga bahay Hindi ko naman pera. Pera ng gobyerno ang gamitin ko. Hindi ako magyayabang. All you have to do is to find out if there is enough land, ‘yang medyo malayo doon na ano. Then let us expropriate para to end your misery as a squatter” ayon sa pangulo.

Kasabay nito sinabi ng pangulo na ang land reform lamang ang magbibigay tuldok sa insurgency sa bansa.

TAGS: Metro Manila, Mga informal settler, Pangulong Duterte, undeveloped na lupa, Metro Manila, Mga informal settler, Pangulong Duterte, undeveloped na lupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.