Goons ng mga pulitiko tatapatan ni Pangulong Duterte ng isang batalyon ng army

By Chona Yu April 03, 2019 - 09:00 AM

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulitiko na huwag gumamit ng goons ngayong panahon ng eleksyon.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng PDP – Laban sa Malabon City, sinabi nito na kapag nagkataon na may goons ang isang pulitiko, tatapatan niya ito ng isang batalyon na army.

Ayon sa pangulo, uutusan niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpadala ng mga sundalo sa Malabon kapag gumamit ng goons ang lokal na opisyal sa lugar.

“And I am exalting everybody na huwag kayong magkamali diyan maggamit ng mga goons, mga ganon kasi papadalhan ko kayo dito ng isang batalyon na army, totoo lang. I will order the Armed Forces to go sa Malabon and hulihin lahat ‘yung mga — na may armas at gawaing… ” ayon sa pangulo.

Pagtitiyak ng pangulo, kanyang ipahuhuli ang mga goons na may hawak na armas.

TAGS: 2019 elections, AFP, armas, eleksyon, Goons, Mandaluyong, Militar, 2019 elections, AFP, armas, eleksyon, Goons, Mandaluyong, Militar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.