Duterte sa publiko: ‘Wala kayong utang na loob sa mga politiko’

By Len Montaño April 03, 2019 - 04:44 AM

Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na pinapanatili ng mga ito ang pagpapatakbo sa gobyerno sa pamamagitan ng binabayaran nilang buwis.

Ayon sa Pangulo, walang utang na loob ang mga mamamayan sa mga politiko.

Ang sweldo anya ng lahat ng politiko ay galing sa pera ng publiko.

“Wala kayong utang na loob sa mga politiko, lahat ‘yan pati sweldo nila pera ninyo. Kaya huwag kayong magsabi na ito si Mayor ano galante. Anak nang jueteng! Hindi ninyo alam kung saan ‘yan bumabawi,” pahayag ng Pangulo sa kampanya ng PDP-Laban sa Malabon Martes ng gabi.

Pahayag ito ni Duterte kasabay ng muling pagkadismaya sa red tape at kurapsyon sa gobyerno.

Dagdag ng Pangulo, kontrolado niya ang mga ahensya na nasa ilalim ng kanyang tanggapan pero wala siyang kontrol sa mga halal na opisyal na anyay nagiging tiwali.

Matatandaan na ilang opisyal na ng gobyerno ang sinibak ni Duterte dahil sa alegasyon ng graft and corruption habang nasa pwesto.

TAGS: buwis, graft and corruption, politiko, publiko, red tape, Rodrigo Duterte, walang utang na loob, buwis, graft and corruption, politiko, publiko, red tape, Rodrigo Duterte, walang utang na loob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.