Chinese vessels na nasa Pag-asa Island, dapat nang umalis – Palasyo
Dapat nang lumayas sa lalong madaling panahon ang mga Chinese vessel na nasa Thitu Island o Pag-asa Island.
Paliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kaya naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa una pa lamang, hindi na dapat nasa Pag-asa Island ang mga barko ng China.
Pinanindigan pa ni Panelo ang ulat ng militar na mga militiamen at hindi lamang mga ordinaryong mangingisda ang sakay ng Chinese vessels sa Pag-asa Island.
Ang Pag-asa Island ay kasama sa Kalayaan group of Islands sa west Philippine sea na okupado ng Pilipinas.
Matatandaang nilinaw ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na pawang mga mangingisda ang sakay ng Chinese vessels na nasa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.