Silawan, ginahasa muna bago pinatay – PAO forensic team
Kinumpirma ng Public Attorneys Office (PAO) forensic team na ginahasa muna ang 16-anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan bago pinatay.
Ayon kay Dr. Erwn Erfe, hepe ng PAO forensic team, nakitaan ng sinyales ng mga galos at hematoma sa pribadong parte ni Silawan sa isinagawang autopsy.
Maliban dito, lumabas din sa autopsy na sinunog ang mukha ni Silawan gamit ang sulfuric acid.
Isinagawa ang autopsy sa katawan ng biktima isang araw bago inilibing noong March 23.
Matatandaang natagpuang walang buhay, walang suot pang ibaba at binalatan ang mukha ni Silawan sa bakanteng lote sa Barangay Bankal, Lapu-Lapu City noong March 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.