Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa Northern Police District – Traffic Enforcement Unit dahil sa umano’y pangingikil at illegal possession of firearms.
Ayon kay Police CHief Master Sergeant Kaiser Mijares, nakilala ang suspek na si Patrolman Arnel Agustin.
Sinabi aniya ng mga nagreklamong mga drayber ng trak sa Manila North Harbor na simula noong 2016 humihingi ng pera ang suspek sa mga papasok sa pier.
Nahuli ang suspek sa bahagi ng Road 10, Manila North Harbor Southbound, Martes ng umaga.
Nakuha kay Agustin ang isang hindi rehistradong caliber .45 na baril, walong bala at isang butterfly knife.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa robbery-extortion at illegal possession of firearms na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.