Hepe ng Negros Oriental police, 3 iba pa ni-relieve sa pwesto

By Angellic Jordan April 02, 2019 - 02:03 PM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde ang pag-relieve ng ilang police official na sangkot sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon sa Negros Oriental.

Kabilang dito ang Negros Oriental police director at chief of police ng tatlong lungsod at munisipalidad.

Nasa 14 katao ang nasawi sa police operations na ayon sa ilang grupo, pawang mga magsasaka sa lugar.

Sa isang mensahe, kinumpirma ni Albayalde ang pag-relieve kina Col. Raul Tacaca, director ng Negros Oriental police; Lt. Col. Patricio Degay, hepe ng Canlaon City police; Lt. Kevin Roy Mamaradlo, hepe ng Manjuyod police; at si Capt. Michael Rubia, hepe ng Sta. Catalina police.

Paliwanag ng PNP chief, ito ay para bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon sa operasyon na nauwi sa engkwentro.

Matatandaang iginiit ng pulisya na ang mga 14 nasawi ay hinihinalang hitmen o tagasuporta ng New People’s Army (NPA).

TAGS: 3 iba pa ni-relieve sa pwesto, Col. Raul Tacaca, director ng Negros Oriental police; Lt. Col. Patricio Degay, hepe ng Canlaon City police; Lt. Kevin Roy Mamaradlo, hepe ng Manjuyod police; at si Capt. Michael Rubia, Hepe ng Negros Oriental police, hepe ng Sta. Catalina police., 3 iba pa ni-relieve sa pwesto, Col. Raul Tacaca, director ng Negros Oriental police; Lt. Col. Patricio Degay, hepe ng Canlaon City police; Lt. Kevin Roy Mamaradlo, hepe ng Manjuyod police; at si Capt. Michael Rubia, Hepe ng Negros Oriental police, hepe ng Sta. Catalina police.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.