Apat na Pinoy nakapasok sa 2019 ’30 Under 30 Asia’ list ng Forbes
Apat na Pinoy ang nagawang makapasok sa “30 under 30 Asia” list ng Forbes Magazine.
Sa nasabing listahan, kinikilala ang mga outstanding entrepreneurs at innovators sa Asya na edad 30 pababa.
Ang 30 honorees ngayong taon ay mula sa mga larangan ng Arts; Entertainment & Sports; Finance & Venture Capital; Media, Marketing & Advertising; Retail & E-commerce; Enterprise Technology; Industry, Manufacturing & Energy; Healthcare & Science; Social Entrepreneurs at Consumer Technology.
Kasama sa listahan sina Earl Patrick Forlales at Zahra Halabisaz Zanjani na cofounders ng Cubo.
Inilarawan ng Forbes ang Cubo na nagdi-disenyo at gumagawa ng maboo houses o Bahay Kubo.
Kasama din sa listahan ang 28 anyos na si Georginna Carlos, founder at CEO ng “Fetch! Naturals”. Isa itong pet care brand na ginagamitan lamang ng mga natural ingredients ang kanilang produkto.
Ang ikaapat ay ang 29 anyos na si Kenn Costales na founder at CEO ng Monolith Growth Ventures. Isa naman itong performance marketing firm na itinatag noong 2016.
Napasama sa listahan ngayong taon ang mga honorees mula sa 23 bansa sa Asia-Pacific region.
Pinakamaraming honorees ay mula sa China na umabot sa 61 na sinundan ng INdia – 59, Japan 30 at South Korea – 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.